5-MINUTES RESPONSE NA PANGAKO NI PNP CHIEF TORRE, PA-POGI LANG?

Opinion
202

UMANI ngayon ng batikos ang 5-minutes response na pinangako ni PNP CHIEF Gen. Nicolas Torre,  bukod kasi sa nag viral na sablay na drama na ginawa nito sa trapik response na kitang kita sa CCTV  na nauna pa ang mobile ng kapulisan sa tawag na responde ng 911.

May ilang video din na kumakalat sa social media na pagpapatunay na hindi natutugunan ng maayos ng naayon sa pinangakong 5-minutes response ng pnp, bagkus ay tila mga vlogger na dumarating ang kapulisan na mas inuuna pa ang pagvideo kesa ang pagtulong sa mga nirerespondehan.


Nakikita kasi sa liderato yan Gen. Torre, Sir! 

May kasabihan nga ang matatanda na kung ano ang itinanim mo ay syang aanihin mo.

Mukhang kailangan ni pnp chief na magpakita sa kanyang mga alagad ng tama at mabilis na pagresponde gaya ng pinangako nya sa mga kababayan nating nangangailangan ng mabilis na tugon ng kapulisan.


Kalimutan nya muna ang kamera, hindi po pag a-artista ang pagiging isang pulis Gen.Torre, isang tunay serbisyo publiko dapat ang ipinapakita natin gaya ng nakasaad sa sinumpaan ninyong tungkulin.

Kaya nasasabihan ang kapulisan natin na sa huli na dumarating, yung tipong tapos na ang labanan nangyari na ang nangyari bago ang dating ng tulong o responde.


May mga tawag din na 911 umano na walang response ang kapulisan, mukhang imbes na manumbalik ang tiwala ng mga kababayan natin sa ating kapulisan, mas lalo pa yata mawawlan ng tiwala dahil sa bagal ng responde at madalas wala pa.

Tanong tuloy ng mga kababayan natin Gen.Torre, nasan na ang 5-minutes rule? Pampa-pogi nga lang ba ito?

Sinubukan din natin itawag ang isang nadaan nating kaguluhan sa may palengke ng Brgy Sto Domingo,  Biñan Laguna.

Nagkaroon kasi ng away sa isang sugalan dun na ang dahilan ay agawan ng napanalunan sa taya. 

Tumugon sa atin ang kapulisan at sinabing papupuntahan ang gulo at ipatitigil ang sugalan na nagdulot ng kaguluhan, awa ng diyos ni isang pulis Gen. Torre walang dumating, umuwing luhaan ang agrabyado sa gulo, samantalang ngiting panalo naman ang may ari ng sugalan.

Ayon naman sa tindera ng gulay sa tabi ng sugalan, matagal na nila inirereklamo ang sugalan sa Brgy Sto Domingo ngunit, di maialis dahil kabit daw umano ng opisyal ang may ari nito at may patong sa kapulisan.

Back to pnp 5-minutes response mga dear readers, This is how pnp response , kung may itinawag at nangailangan ng tulong ng kapulisan mamumuti ang mata mo bago dumating ang tulong kung meron man.

Sayang ang tax na binabayaran ni Juan Dela Cruz na ipinapang pasweldo sa ating kapulisan.

Same on you Gen. Torre sayang ang pinapasahod ng mga tax payer sa iyo, kung puro pagpapa pogi lang ang alam mo.

Matagal pa ang election Sir, kung may ambition ka man simulan mo ng tama, wag ng puro salita.

May kasunod…

Abangan

***

REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0994-650 5478 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA 007donangelo@gmail.com

202

You might also like