Simbahan sa UK nagtalaga ng kauna-unahang babaeng arsobispo

World News
16

NAGTALAGA ng kauna-unahang babaeng Arsobispo ang Canterbury sa United Kingdom.

Ang 63-anyos na si Sarah Mullally ay obispo ng London noong 2018 ay naordinahan bilang maging arsobispo.



Nagtrabaho rin si Mullally bilang nurse sa isang pagamutan sa London kung saan naging Chief Nursing Officer para sa England.

Ayon kay Mullally, kaniyang iniwan ang pagiging nurse matapos na sagutin ang panawagan ni Cristo sa bagong ministeryo.

Papalitan niya si Justin Welby na nagbitiw sa puwesto matapos na bigong i-report si John Smyth na inakusahan ng physically at sexually na nag-aabuso ng ilang mga kalalakihan sa isang Christian camps noong 1970 hanggang 1980.


Most Read
16

You might also like