PATULOY at sadyang “untouchable” sa liderato ni General PAUL KENNETH LUCAS ng PNP Region4A ang mga puwesto ng sugalan sa buong CALABARZON.
Si ADRIAN, ang tumatayong taga-Pangulo ng asosyon ng mga peryante sa buong Region 4A at tumatayong “conduit” ng mga operators ng iligal na sugal sa tanggapan ni General Lucas.
Mga designated police bagmen ng PNP Region4A ang pandalas na kahalubilo ni ADRIAN para sa opisina ni RD.
Makailang beses na ring ipinagbigay alam ito ng media kay Gen. Lucas pero dedma lamang ang mabunying heneral na sinasabing SUPER LAKAS naman sa kanyang hepe na si General Jose Melencio Nartatez ay malakas din umano at bata-bata ni DILG Secretary Jonvic Remulla.
Kung hindi ba naman bagyo kay Nartatez at Remulla itong si LUCAS, mapupuwesto ba naman ito sa isang ‘juicy position” sa kabila ng pagkakaalis nito nung panahon Gen. Nicolas Torre ay biglang ibinalik agad-agad pag upo ni Gen. Nartatez na umanoy sa utos ni SILG Remulla.
Yes po, tao ni SILG REMULLA itong si Lucas na hindi natin mawari kung anong alas meron itong si Lucas para maging sunod-sunuran umano sa kanya si SILG Jonvic Remulla at naisingit pa rin agad ni Gen. Nartatez na ibalilk sa regional director ng Calabarzon.
Ayon sa ating sorce hindi lamang basta opisyal at tao ni SILG Remulla kundi one of Remulla’s most trusted men itong si Boss Paul Kenneth Lucas.
Pero let us set aside that particular issue for the meantime, kasi mukhang hindi lang si SILG ang Remulla na ating nababanggit, magconcentrate tayo dito kay ADRIAN ng CALABARZON na sinasabing pinapadrinuhan mismo ni General Lucas.
Hindi lamang po 1602 na perya ang negosyo ng tarantadong ADRIAN na ito kundi meron pang ibang illegal gaya ng on-line sabong,saklaan at iba pa.
Malaking hamon sa adminsitrasyong Marcos na dead serious sa pagtuklas sa mga Corrupt Official’s lalo pa nga’t lumulutang ang pangalan ng kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez na tumatanggap umano at pasok sa mga linggohang payola sa illegal gambling.
Tila walang takot itong si Gen. Lucas na ma-identify sa network ni ADRIAN.
Why o why?
Alam mo ba ang dahilan my dearest idol General Nartatez sir?
Kasama kaya si dating Governor at ngayon nga ay DOJ Secretary at maugong na uupo bilang bagong “OMBUDSMAN ” na si SOJ Crispin “BOYING ” Remulla?
Kaya ikaw ADRIAN, wag ka umasta na “forever” ka diyang makakapamayagpag sa CALABARZON!
Wag mong madaliin mabulok ang pangalan ni General Lucas sa mga katarantaduhan mo!
Hindi lahat ng bagay kayang bilhin ng kuwarta mo!
May iilan diyang heneral na cheap ang pagkatao pero may mga opisyal din ng PNP na di nabibili ng salapi.
‘Yan yung may pagpapahalaga sa dignidad at reputasyon ng kanilang mga mahal sa buhay!
May kasunod…
Abangan!
***
REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0994-650 5478 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA 007donangelo@gmail.com