Bilibid officer huli sa P.1-M shabu at baril

Local
42

ARESTADO sa isang buy-bust operation ang isang 27-anyos na corrections officer na nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa noong Nobyembre 2.

Kinilala ang suspek sa alyas na Paulo at taga-Sta. Rosa City, Laguna, ay nahuli sa Barangay Poblacion, Muntinlupa. Nakuha sa kanya ang 19.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P131,920, isang motorsiklo, at isang Glock 17 9mm pistol na may bala.



Ang operasyon ay isinagawa ng Muntinlupa Police Station Drug Enforcement Unit, katuwang ang Inter-Agency Collaborative Group (IACG) at ang Directorate for Intelligence and Investigation ng Bureau of Corrections.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa custody ng pulisya at nahaharap sa kaso batay sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). 


42

You might also like