MULING nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Linggo ng umaga.
Kung saan umabot ang aktibidad ng labing dalawang minuto.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot sa 300 meters ang taas ng ibinugang abo mula sa bukana ng bulkan bago magtungo sa direksyong timog-kanluran.
Samantala, naitala naman ang walong volcanic earthquake ang Bulkang Kanlaon sa loob ng 24 oras, 12 ng madaling araw kahapon, November 1 hanggang 12 ng madaling araw kanina.
Nakataas pa rin sa alert level 2 ang nabanggit na bulkan kung saan ibig sabihin ay ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4 kilometer radius permanent danger zone.




















