“CLEAN YOUR HOUSE FIRST”

Opinion
133

TILA nag- uumpisa nang kagatin ng Palasyo ng Malacañang ang Kongreso makaraang maglabas ng matinding pahayag ang Office of the Executive Secretary nitong weekend, kasunod ng mga umano’y “political spins” mula sa ilang miyembro ng House of Representatives na sinasabing naglalayong ibaling ang sisi sa Executive Branch kaugnay ng mga isyu ng korapsyon at kabiguan sa pamahalaan.

Ayon sa pahayag, mariing tinututulan ng gabinete ng Pangulo ang mga pahayag ng ilang kongresista na umano’y ginagamit ang isyu ng budget at imbestigasyon bilang “political theatrics” upang  takpan ang sariling kapalpakan.



Binigyang-diin ng Malacañang na hindi nila palalampasin ang anumang pag-atake sa integridad at reputasyon ng Executive Branch, lalo na kung ginagamit ang budget process bilang hostage ng mga may pansariling interes.

Dagdag pa ng Palasyo, ang mga isinasagawang imbestigasyon sa mga anomalya sa pamahalaan ay mananatiling walang saysay kung ang mismong pinagmumulan ng korapsyon ay hindi tinutugunan.

Hinimok ng Palasyo ang Kamara na tugunan ang panawagan ng taumbayan para sa ganap na pananagutan.



Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, dapat magsimula ang paglilinis sa loob mismo ng Kongreso upang maging epektibo ang anumang reporma sa pamahalaan.

“All our investigations into the anomalies will be futile if the sources of corruption remain unchecked. Hence, we urge the House of Representatives to heed the demand of the people for full accountability: “CLEAN YOUR HOUSE FIRST!”, dagdag na banat pa mula sa tanggapan ni Bersamin.




Ang pahayag ay lumabas sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng ilang miyembro ng Kongreso at ng ehekutibo, kaugnay ng mga isyu sa alokasyon ng pondo, transparency, at accountability sa pamahalaan.

Ito ang kauna- unahang pagkakataon na naglabas ng maaanghang na pahayag ang Office of the Executive Secretary na direktang pumupuna sa alingasngas na nakakapangyari sa Kamara na pinamumunuan ng pinsan ng Pangulo na si Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sa naging pahayag na ito ni ES Bersamin, mukhang unti- unti na ngang humuhulagpos sa mahigit na grip ni Romualdez ang mayoryang mando nito sa Mayabang este Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Naniniwala tayong ang pagtalilis o “pagtakas” nina Congressmen Zaldy Co at Dong Gonzales palabas ng bansa sa halip na harapin ang maraming kuwestiyon sa usapin ng maanomalyang multi bilyong flood control projects ay direktang masasabing malaking “red flag” sa reputasyonn ng Kamara at ng mga miyembro nito.

Si Co at Gonzales ay kapwa aso ni Speaker Romualdez.

Kailangan na rin marahil ipatigil ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kasalukuyang pag- iimbestiga ng Kongreso sa maanomalyang flood control projects na isang malinaw na pagwawaldas lamang ng pera ng taumbayan dahil sa malaking gastusing binabalikat nito sa tuwing magdaraos ng mga pagdinig na wala namang patutunguhan at walang kapakinabangan sa bayan at mamamayan.

Hindi makatarungang gumastos ng taxpayers’ money sa mga moro- morong hearings na ito na sadyang LOKOHAN lamang gaya na mariing sinasabi ni Navotas Congressman Toby Tiangco.

Nagiging platform din ito ng  grandstanding ng marami sa mga miyembro ng Kamara na nagsusulong lamang ng kanilang pansariling interes, personal & political agenda.

Sadyang mahirap talagang turuang mahiya ang mga buwayang ito sa Kamara.

ANG KAKAPAL NG FACE.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

Most Read
133

You might also like