IPINAG-UTOS ng bagong Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Rhoel Aguda ang lahat ng mga undersecretaries, assistant secretaries at directors ng ahensiya na magpasa ng courtesy resignations.
Sa inilabas nitong memorandum na dapat ay makapagsumite na ang mga ito ng courtesy resignation ng hanggang Abril 4.
Layon nito ay para malaya siyang makapagbigay ng mga duties at responsibilities sa iba.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Aguda sa posisyon matapos ang pagbibitiw sa puwesto ni Ivan John Uy noong Marso.
Isa aniya sa specialty ni Aguda ay ang digital tranfsormation, digital banking at financial crimes.