Helikopter ng PAF bumagsak sa Agusan del Sur: 6 patay  

Provincial
7

NAREKOBER ang anim na katawan na sakay ng Super Huey Helicopter na bumagsak noong Martes, Nobyembre 4, sa Barangay Sabud Loreto, Agusan del Sur.

Sa inilabas na pahayag ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (EastMinCom-AFP), ang mga natagpuang katawan ay pinaniniwalaang piloto at crew members ng nasabing helicopter.



Kaugnay nito, hindi muna nila nilabas ang pagkakakilanlan ng mga nasawi bilang respeto sa mga pamilya nito.

Matatandaanna umalis sa Davao City ang nasabing helicopter na patungo sana sa Butuan City para magsagawa ng Humanitarian Assistance Disaster Response sa mga naapektuhan ng Bagyong Tino.

Ngunit nawalan ito ng komunikasyon habang nasa byahe kung kaya’t nagsagawa ng search and rescue operations ang mga kasama nito .



Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naging sanhi ng nasabing insidente.


Most Read
7

You might also like