Higit 68K na nasawi sa Gaza matapos ang tigil-putukan

World News
7

UMAKYAT na sa 68,875 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Gaza mula nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 7, 2023, ayon sa mga lokal na awtoridad. Kasabay nito aabot naman sa 170,679 ang bilang ng mga nasugatan.

Sa pinakahuling tala, tatlong bangkay at dalawang sugatan ang nadala sa ospital sa loob ng 24-oras, dahilan upang umakyat sa 241 ang nasawi at 609 ang sugatan mula nang ipatupad ang tigil-putukan noong Oktubre 10, 2025.



Bukod dito, 513 bangkay din ang narekober mula sa mga gumuhong gusali mula nang magkabisa ang ceasefire.

Ayon pa sa mga awtoridad, 15 karagdagang bangkay ng mga Palestino ang ibinalik ng Israel sa tulong ng Red Cross, kung saan nasa kabuuanng 285 na mga bangkay na ang naibalik ng Israel simula ng ipatupad ang tigil-putukan. Sa mga ito, 84 pa lamang ang nakikilala ng mga medical team.


Most Read
7

You might also like