Konsehal sa Maynila na inireklamo ng sexual harrassment, sinuspinde

Local
8

PINATAWAN ng 60 araw na suspension si Manila City Councilor Ryan Ponce dahil sa reklamong sexual harrasment ng kapwa konsehal.

Kinumpirma ni Manila City Vice Mayor Chi Atienza ang suspension ni Ponce matapos ang ginawang pagdinig sa Ethics Committee ng Sangguniang Panglungsod ng Maynila.



Ayon pa sa bise alkalde, na kahit na humingi na ng paumanhin ay kailangan pa rin nitong panagutin ang kaniyang ginawang pambabastos kay councilor Eunice Castro.

Magiging epektibo lamang ang suspension 15-araw matapos na matanggap ni Ponce ang kautusan.

Bukod pa sa suspensiyon ay magsasagawa rin ng re-organization ang lahat ng komite kung saan miyembro si Ponce.


Matatandaang ibinunyag ni Castro ang ginawang pambabastos ni Ponce sa paghawak ng kamay ganun din sa mga text messages nito.


8

You might also like