LATEST CRAZE…”TANIM BUTO”!

Opinion
206

MARAMI sa mga Pinoy ang tumaas ang kilay sa pinakahuli at bagong pinausong termino ng kasalukuyang administrasyon.

Ito ay ang ” tanim buto” , referring sa mga buto umanong naka- sako na nakuha sa bisinidad ng Taal Lake ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.


What an amazing story na inayos ng maigi at ikinamada ang bawat yugto ng script upang palabasing totoo ang istoryang kinanta ng self- proclaimed witness na si Julie Dondon Patidongan na nasa kostudiya ni PNP chief Nick Torre.

Ang nakatatawa at ang masasabing malaking komedya ay ang pagkakakita ng saku-sako ng mga umano’y  buto ng tao na iniuugnay sa 34 missing sabungeros.

Walang suspense sa kuwentong ito na unti- unti nang iniuugnay sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.


Parang istorya ng Batang Quiapo ni Derek Coco Martin.

Sanga- sanga- na at kung saan- saan na napupunta ang istorya.


Ang kaibahan nga lamang,mahuhulaan mo na agad sa istorya ng mga “missing sabungeros”ang real plot ng zarzuelang ito na produced ng movie outfit este tanggapan ng DOJ na layong pagsasangkot sa mga Duterte boys sa mga darating na episodes ng unfolding tele- serye na ito na sinasabing idenerehe ng mga pamosong “aso” ng kasalukuyang administrasyon.

Ang nakakasukang senaryo ay ang paglabas ng whistle- blower na si Julie Patidongan sa media ilang linggo bago ilunsad ang ginagawang paghalukay sa lawa ng Taal.

Lumalabas tuloy na may maluwag at sapat na panahon ang grupo o handlers ni Patidongan na ” magtanim” ng buto ng tao sa bisinidad ng Taal Lake?

Posible ba ito o hindi?

Oo naman…posible talaga ito!

Remember the infamous  “tanim bala” sa àirport…tanim ebidensiya naman sa kapulisan at ang tanim testigo sa komite sa  Senado ni Riza HONTIVEROS.

Iligal na nagdiin ito sa malapIt na kaalyado ni PRRD na si  Pastor Apollo Quiboloy.

Iisa ang casting sa mga nobelang ito ng administrasyong Marcos Jr. sa pagdiriin sa mga kalaban nito sa pulitika!

Ang nasa ulo ng core group na ito ay si DOJ Sec. Boying Remulla na hawak ang hudikatura, General Torre sà PNP, Gen. Romeo BRAWNER sa militar, of course nandyan din si Sec.Ed Año ng NSC , Sec.Gibo Teodoro ng DND at of course DILG Sec. Jonvic Remulla.

‘Yang ang main core na ala mafia members ng administrasyong Bongbong Marcos na inmune sa ano pang URI ng pagmanipula, paglabag at pagbaluktot sa batas.

Markado na ang mga indibidwal na ito na kulang na lamang tubuan ng sungay para lumabas at malantad sa publiko ang tunay na kulay at pagkatao.

Ang listahang ito ay ibinulgar mismo ni Senadora Imee Marcos sa ginawang imbestigasyon ng komite nito sa Senado na direktang tumukoy sa pagkakakilanlan sa mga diyablong ito.

Ang pagkidnap kay TATAY Digong na numero unong krito ng mag- asawang Bongbong at Liza Marcos na ayon kay Sen. Imee ay konspirasiya ng mismong kapatid ng Senadora na at ng mga ulol na aso nito.

Hangga’t naririyan ang binansagang core group na ito ng Palasyo, mananatiling makakapangyari ang inhustisya at ang pang- aabuso sa kapangyarihan laban sa bawat Pilipino.

My kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

206

You might also like