MGA PASUGALAN SA REGION 4-A, SINO ANG PROTEKTOR PNP-CHIEF PLT. GEN. JOSE MELENCIO NARTATEZ, SIR?

Opinion
9

SA kabila ng magandang performance ni PNP-CHIEF PLt. General Jose Melencio Nartatez sa paglaban sa krimen at illegal drugs, kalabasa naman o malaking zero ang grado nito pagdating sa pagsupil sa iligal na sugal (PD 1602).

Parang gustong sabihin ni General Nartatez na ibalato na lamang ng mamamayan sa kanila (PNP) ang intelihensiya mula sa iligal na sugal.



Wow ha!

Mukhang di puwede  ‘yan kay Pangulong Bongbong Marcos.

Kasi naman, ang intelihensiya o sa direktang salita ay payola mula sa iligal na sugal ay isang uri ng korapsiyon na kung saan ay galit na galit ang Pangulo.


Sa Region 4-A na lamang kung saan talamak ang iligal na sugal bukod pa sa walang kamatayang operasyon ng STL cum jueteng, sangkaterba po ang mga puwesto pijo ng pergalan at iba pang uri ng sugal lupa.

Sa Probinsya ng BATANGAS, sa LIPA CITY na lamang po ay may puwesto pijo ng sugal na kung tawagin ay DROP-BALL at COLOR-GAME na kung saan sadyang napakaraming tao ang nalululong magsugal.




Sa Bayan naman ng ROSARIO malapit lamang sa highway, sa Bayan ng MALVAR, at Bayan ng IBAAN, meron din sa Lungsod ng BATANGAS, sa Bayan naman ng TANAUAN, sa palengke at sa likod ng Victory Mall na mismong si Kap ang tinuturong may ari.

Ganoon din po sa Probinsya ng CAVITE sa Bayan ng SILANG sa Brgy Maguyam mayroon mala-casinong sugalan, sa CAVITE CITY, na may mala-casinong sugalan ang ‘drop ball’ at color game sa peryahan cum drogahan, Ganun din sa Bayan ng TANZA na kung saan isang konsehal SONNY ang nagmamay-ari ng pergalan na ayon naman sa ating source maging sa kanyang nasasakupang bayan ay may latag ng sugalan cum drogahan din, walang iba kundi sa Bayan ng NAIC, ang malupet dito pinagmamalake ng kuoal na bantay ng sugalan cum drogahan sa NAIC na si SYNG, na kahit pa umano tirahin si konsehal SONNY ay hindi ito maipapatigil dahil ang totoo ay si MAYOR ROMMEL MAGBITANG ang tunay na nagmamay-ari.

Ganun?

Pag mamalaki pa umano ng tarantadong si SYNG na sa tulong din ng kaibigan umano nilang si VICE MAYOR REMULLA.

Mayroon din po sa LAGUNA, sa halos bawat bayan nito meron din puwesto pijo ng sugal na COLOR-GAME at DROP-BALL, kagaya sa Lungsod ng STA ROSA, sa Target Mall na matagal ng inirereklamo at sa tinatawag na Garden Villas ng Lungsod, sa Bayan ng ALAMINOS at Lungsod ng SAN PABLO at CALAMBA.

Di rin papatalo ang Probinsya ng QUEZON pagdating sa mga pwesto-pijo ng pergalan sa bayan ng TAYABAS, LUCBAN, SARIAYA, CANDELARIA, TIAONG at LUCENA, na kadalasang puntirya ay harap din ng palengke at kadalasan ay malapit lamang ito sa mismong presinto ng kapulisan ng nasabing lugar.

Humahabol na rin ang probinsya ng RIZAL sa Lungsod ng ANTIPOLO, BINANGONAN, MORONG, ANGONO sa Bayan ng TAYTAY sa C-6, sa Bayan ng MONTALBAN sa Brgy Kasiglahan at ilang Bayan ng Probinsya.

Kung hindi tayo nagkakamali, mga hindoropot po atang lahat ang mga opisyales na inilalagay ni General NARTATEZ sa nasabing rehiyon.

Mula sa kanyang PNP Regional Director, Provincial Director down sa mga chief of police ng mga bayan at siyudad ng lalawigan.

Totoo po ba Gen. Nartatez sir na may regular na padala sa inyo ang Regional Director ng PNP Region 4-A mula kolektor nitong RSOU, R2, RSOG, NAPOLCOM, GAB, at ng mga PD?

‘Yan ay kung totoo ngang sa inyong opisina General Nartatez napupunta ang payolang kinokolekta sa nasabing lugar ng ilang police opisyal na umano’y bagman ng PNP Region 4-A na si PBGen. Lucas, na umanoy bagyo kay DILG SECRETARY JONVIC REMULLA, kaya ba ultimo opisina ni SILG may sariling kolektor at weekly payolang parating ang mga illegal gambling operators?

Hindi lamang po sa Region 4-A “open” ang illegal gambling kundi sa buong bansa at kahit dito sa Metro Manila.

“Yan po ay sa tungki ng ilong ni Chief PNP, PLt.Gen. Jose Melencio Nartatez!

Grabe naman kayong mga tulisan este kapulisan, itinaas na nga ang sahod n’yo ni dating Pangulong Duterte, ayaw n’yo pa ring tumugil sa pagpatong sa mga iligalista!

Wala kayong kabusugan!

***

REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0994-650 5478 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA 007donangelo@gmail.com

9

You might also like