‘Missing sabungeros’ muling inalala ng mga kaanak ngayong Undas

Top Stories
57

NAGSAGAWA ng demontrasyon ang ilang mga indibidwal kasama pati kaanak ng mga nawawalang sabungero sa tapat ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes, Oktubre 30.

Kasabay sa paggunita ng Undas 2025, kanilang inalalang muli ang mga mahal sa buhay o ang ‘missing sabungeros’ na magpasahanggang ngayon ay patuloy silang umaasang makakamit ang hustisya.



Sa isinagawang demonstrasyon, layon anilang tuluyan ng makasuhan ang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Partikular nais nilang panagutin ang umano’y mastermind sa ‘missing sabungeros case’ na si Charlie ‘Atong’ Ang kasama pati mga sangkot tulad ni Gretchen Barretto.

Nag-alay sila ng panalangin sa harap ng kagawaran para sa kaluluwa ng mga biktima.



Sinundan naman ito ng paghahagis ng itlog, at kamatis sa isang tarpaulin na may mukha ng negosyanteng si Atong Ang.

Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ang resolusyon ng panel of prosecutors matapos ang isinagawang preliminary investigation sa kaso ng mga nawawalang sabungero.


57
Tags: Top Stories

You might also like