NADAKIP ng pulisya at militar ang isang national most wanted person na may monetary reward na nagkakahalaga ng ₱2.55 milyon sa ilalim ng Department of National Defense–Department of the Interior and Local Government (DND–DILG) Joint Order on Rewards sa Barangay Buntatala, Jaro, Iloilo City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Mayok”, 67 taong gulang at myembro ng Communist Terrorist Group.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong rebellion, multiple murder with the use of explosives at multiple frustrated murder na walang inirekomendang pyansa.
Ang mga nasabing kasong ito ay mula pa noong 2006 at 2012.
Narekober sa nasabing suspek ang .45 caliber pistol, isang magasin, pitong bala, at isang granada.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang nasabing akusado at nahaharap sa karampatang kaso.

















