P108-K ‘damo’ nasabat sa buy-bust sa Las Piñas

Local
61

TIMBOG ang isang 22-anyos na lalaki na nahuling may hawak na P108,300 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang drug buy-bust operation noong Setyembre 28 sa Las Piñas City.

Kinilala ni Las Piñas Police Chief Col. Sandro Tafalla ang suspek na si alyas Rey, residente ng Barangay Pulanglupa Uno, Las Piñas City. Naaresto ang suspek dakong 10:00 ng umaga sa Lucky Homes, Barangay Pulanglupa Uno, Las Piñas City.



Ayon kay Tafalla, nagsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Las Piñas Police Substation para madakip ang suspek na inakusahang pinagmumulan ng mga tuyong dahon ng marijuana sa barangay.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P108,300. Ang mga ito ay itinurn-over sa Southern Police District Forensic Unit para sa pagsusuri.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Las Piñas City Police custodial facility at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Most Read
61

You might also like