KINUMPIRMA ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral ang P51 billion na alokasyon para sa distrito ni Davao City Rep. Paolo Duterte.
Sa nagpapatuloy na ikalawang pagdinig ng House Infrastructure Committee nitong Martes, binanggit ni Committee Chairperson Manila Rep. Joel Chua na ang naturang pondo ay para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa distrito ni Rep. Duterte para sa mga taong 2020, 2021, at 2022, o sa ilalim ng administrasyon ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Punto ni Chua, may pandemya ng mga taong yun kung saan nangutang pa ang ating gobyerno ng malaking halaga para pambili ng mga kailangang medical equipment o medical kits.
Ipinunto ni Chua na sana ay hindi na nangutang at sa halip ay ginamit na lang ang naturang bilyones na inilaan sa distrito ni Congressman Pulong.