MATINDI pala talaga itong si EGAY kay Cavite Police Provincial Director PCOL ARIEL RED.
Nakapaglatag na ng peryang may sugal sa Cavite City,naiisingit pa rin nito ang pagtutulak ng shabu sa kanyang puwesto?
Wala pala talagang takot itong kupal na si EGAY sa mga awtoridad at sa batas.
Lantaran ang paggawa ng iligal dahil alaga nito ang mga umano’y patabaing baboy ng Cavite Police Provincial Office.
Saan nga palang lupalop galing itong si EGAY na ngayon ay nagsasabog ng lagim diyan sa Cavite City.
Ipinagyayabang ni EGAY na super bagyo siya sa hepe ng kapulisan ng Cavite City dahil binubundat nya umano ang masisibang opisyal sa intelihensiya.
Magkano naman kaya nabili nitong kupal na si EGAY ang tsapa ng hepe ng Cavite City PNP at mismong tanggapan ni Cavite Provincial Director PCOL ARIEL RED?
Di lang pala mayabang itong si EGAY Kupal, matabil at madaldal pa.
Wala daw siyang pakialam sa mga taga- media dahil di naman daw puwedeng manghuli ang mga ito ng sugalan.
Ayos ah, bright boy talaga ang pindehong kupal.
Marami ng kabataan at mga estudyante ang nabiktima ng pergalan nitong si EGAY Kupal.
May daya kasi ang mga color games nito.
Ang mabigat, mistulang mga goons ang ilan sa mga personnels nitong si EGAY Kupal na tinatakot pa ang mga tahor na nananalo para wag umayaw sa pagtaya.
Ang ending,mistulang hinoholdap na ang mga mananaya.
Lagareng-Hapon talaga magnegosyo itong si EGAY KUPAL, may pasugal na,may shabu pa.
Ika nga, sinusulit talaga ang hinahatag na lingguhang payola sa mga pulis.
In short, tinotolongges at iniisahan ang mga bobong kapulisan.
Magkano naman kaya ang inilargang puhunan nitong si EGAY Kupal?
Sa Barangay officials pa lamang ng puwesto nito sa Cavite City ay umabot na raw ng kalahating MILYONG piso.
Eh yung sa bentahan ng shabu sa kanyang pergalan,magkano naman kaya ang investment ng kupal na negosyante?
Isa pang kupal na perya operator ay itong si Konsehal SONNY na may pwesto sa TANZA at NAIC, at mismong nasa tungki lamang ng ilong ng kapulisan ng Cavite.
Mga patabaing baboy din nito ang mga pulis ng TANZA at NAIC PNP.
Binubusog din umano ni SONNY sa payola ang mismong hepe ng TANZA at NAIC Police Station.
Kung ganitong sa sugal at droga na ang source ng TABAKUHAN ng Cavite PNP, may dahilan nang nerbiyosin si Cavite Governor Abeng Remulla.
Mistulang “sin province” na ang kanyang probinsiya.
May mga sugalan na, sandamaknak pa ang pondohan ng shabu.
May kasunod…
Abangan!
***
REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0994-650 5478 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA 007donangelo@gmail.com