SA Fast Talk with Boy Abunda, inilahad ni Julie Anne San Jose ang hirap na pinagdaanan noon ng kanyang nobyo na si Rayver Cruz sa kanyang mga magulang.
Tatlong taon nang magkasintahan sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Kaya naman marami na talaga ang nagtatanong sa dalawa kung kailan nagpaplano ng lumagay sa tahimik.
“Most of the time, Tito Boy, ganyan pa rin ang tinatanong sa akin. Ako right now, Tito Boy, nasa point kasi ako na ngayon na I’m just letting God control it. It is the best way. Kasi hindi ako umaasa sa kung ano ‘yung gusto ko, kung ano ‘yung gusto niya, kung ano ‘yung gusto ni Lord, kung ano ‘yung will ni Lord, kung papaano, kailan mangyayari ang mga bagay-bagay. I’m just letting things be and letting God handle everything,” makahulugang pahayag ni Julie Anne sa panayam.
Masayang inalala ng Asia’s Limitless Star ang mga panahong nanliligaw pa lamang ang aktor sa kanya. Matinding hirap umano ang pinagdaanan ni Rayver noon sa mga magulang ni Julie Anne.
“Butas ng karayom, Tito Boy. I think kasi ‘yung parents ko kasi, they’re very reserved. They’re the best people in the world for me. They know what’s best for me. Siyempre, may mga times din naman na hindi naman talagang maiwasan, na may parang ‘Oh, hindi.’ Tapos parang ayaw nila, or gusto ko, or like ayaw ko pero gusto nila. There are times na ganun pa din. I mean, it’s a normal dynamic pagdating sa parents and anak. Now, they’re very okay with Ray,” nakangiting pagbabahagi ng dalaga.
Suportado na umano ng mga magulang kung sakali mang mag-asawa na si Julie Anne.
Samantala, simula sa susunod na Linggo ay mapapanood nang muli si Julie Anne bilang isa sa mga coach ng The Voice Kids. Matatandaang maraming kompetisyon din ang sinalihan ng aktres noong kanyang kabataan. Para sa dalaga ay mas madaling maging hurado sa naturang show dahil na rin sa kanyang mga naging karanasan noon.




















