SA mga una na nating pagbira, ibinulgar natin ang mala-casinong sugalan cum drogahan nitong mag-asawang JAY at JUDITH ng STA.ROSA, LAGUNA.
Sinabi natin na mismong si LAGUNA Gov. Sol Aragones ay nakakaladkad na rin sa iskandalong dulot ng iligal na pasugalan cum drogahan na ito ng mag-asawang JAY at JUDITH diyan sa Sta. Rosa.
Pati ang simbahang Katoliko ng Sta.Rosa City ay tila nababastos na rin ng walang pakundangan dahil nga sa nalulublob na sa opisyo ng pagsusugal ang mga mamamayan ng lungsod salungat sa itinuturo ng Archdiocese ng Laguna.
Hindi lamang mga concerned citizen ng nasabing lungsod ang umaapela sa mahal nilang alkalde na si Honorable Arlene Arcillas na ipatigil na ito kundi maging ang mga parishioners ng simbahan ng Sta.Rosa ngunit tila nagte-tengang kawali lamang dito si Mayor Arcillas.
Ayon sa ating mga sources, ang dahilan daw ng pagiging “untouchable” ni JAY at ng asawa nito na kapwa operator ng may dayang mga pasugal na nga may drogahan pa sa kanilang perya ay ang proteksyong ipinagkakaloob ng isang BOSS ARNOLD A.
Kaibigang matalik umano ni BOSS ARNOLD ang mistress este misis ni JAY.
SI BOSS ARNOLD A. umano ay sadyang napakalakas sa Sta.Rosa City Hall.
Nagkataon namang ang pangalan ng Vice Mayor ng Lungsod ng Sta.Rosa ay ARNOLD A. din.
Hindi kaya kapatid ni Mayor Arcillas o ang mismong Vice Mayor Arnold Arcillas ang itinuturong “protektor” ng mag-asawang gambling lord na si JAY at JUDITH.
Tapos na raw ang lahat ng okasyong puwedeng ipagdiwang ng lungsod ng Sta.Rosa.
Papasok na nga ang Pasko at Bagong Taon ngunit tila nananatiling moog at hindi matinag ang peryang may sugal cum drogahan ng mag-asawang JAY at JUDITH sa buong STA. ROSA CITY.
Walang magawa ang lokal na kapulisan ng Sta.Rosa sa mga katarantaduhang umiiral sa loob at paligid ng peryang may sugal ng mag-asawa.
Ika nga, tila ‘sanctuary’ ng mag-asawang JAY at Judith ang loob at kapaligiran ng kanilang mga peryahan.
Off limits ang mga pulis except yaong mga pulis na regular na kumukuha ng payola.
Nagsisilbi pa nga raw private security ng mga pergalan cum drogahan ng mag-asawang JAY at JUDITH ang ilang tauhan ng Civil Security Unit ng Sta.Rosa City Hall.
Wow ha!
Astig talaga at ‘yan daw ay dahil sa impluwensiya at kamandag ni BOSS ARNOLD A..
Gov. Sol Aragones Madam, paki busisi ngang mabuti ang isyung ito!
May kasunod…
Abangan!
***
REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0994-650 5478 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA 007donangelo@gmail.com














