BUWIS-buhay si Sue Ramirez para sa rumored boyfriend nitong si Dominic Roque para sa adventure at challenge.
Ibinida ni Dominic sa kanyang IG ang video nito habang nagpapatakbo ng big bike patungong Baguio City.
Naka-angkas sa likod ni Dominic si Sue na nakakapit ng mahigpit sa kasintahan.
Batay sa video, mabilis ang pagpapatakbo ni Dominic na pumapalo ata sa bilis na 110-120Kph.
Alam naman ng marami na isa sa pinakadelikadong sasakyan ay ang motorsiklo.
Pero dahil nga dyowa nito si Dominic, wapakels si Sue sa kanyang safety.
Super appreciate naman si Dominic na kinilig sa angkas ni Sue sa kanya.
Sabi nga nito sa comment ng “Her first Baguio big bike ride.”
Hinangaan naman si Sue sa comment at sinabing “brave girl”. Pero pinag-iingat din ito.
Aprubado na ng mga netizen ang relasyon ng dalawa. Tila nakawala na si Dominic sa anino ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo.