SUGAL AT DROGA, PERFECT COMBINATION

Opinion
5

IBINULGAR ni Vice President Sara Duterte na hindi lamang sa mga flood control projects aktibong sumasawsaw at nangungurakot ang kasalukuyang gobyernong Marcos Jr.kundi sa iba pang uri ng illegal activities partikular na sa sugal at droga, smuggling at iba pa!.

Ang korapsiyon sa iligal na sugal ay nagmumula sa  ibaba hanggang sa pinakamataas na sangay ng pamahalaan.



At ngayon ngang papalapit na ang  Kapaskuhan,inilatag na ng buong kapulisan nationwide ang tinatawag na SONA LIBRE pagdating sa illegal gambling operations cum shabu tiagge selling.

Perfect combination Ito sa mga enterprising gambling cum illegal drug lords.

Speaking of illegal gambling, na ang nangunguna sa mga areas na talamak ang  operasyon ay ang CALABARZON o ang tinaguriang police command ng Region-4A na pinamumunuan ni General Paul Kenneth Lucas.


Ang CALABARZON po ay binubuo ng lima (5) sa pinakamalalaking lalawigan sa katimugang bahagi ng Luzon.

Ito ay binubuo ng mga probinsiya ng Cavite,Laguna,Batangas,




Rizal at Quezon na binubuo ng halos ilang libong square kilometers sa laki ng land area at isa sa may pinakamalaking populasyon sa bansa.

Tinatayaang umaabot sa milyong- milyong piso ang nagpapalitang- kamay sa araw- araw sa ILIGAL na operasyon ng sugal sa CALABARZON pa lamang.

Mayorya sa payola o intelihensiya ay napupunta sa kapulisan at sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan at ilang tiwaling mambabatas.

Mula barangay officials hanggang sa pinakamataas ng sangay ng pamahalaan…ang ehekutibo.

Yes po,umaabot na po sa mismong tarangkahan ng Malacanang ang distribution ng payola na kung hindi tayo nagkakamali at base sa ating mga reliable police sources ay pinamamahalaan ng ilang buwayang opisyal ng DILG para sa tinaguriang “big fishes”.

Sa Region 4A,ang pinakapamosong gambling operator ay isang babae na nagngangalang BABY PANGANIBAN a.k.a Baby P.,ang tinaguriang PERYA QUEEN ng Luzon.

Yes po,mistulang reyna ng iligal na sugal itong si Baby P. na pinagsasalukan ng regular na payola ng mga buwayang kapulisan ni General Lucas at ng mga bagmen ng mga opisyal ng gobyerno mula barangay captains,mayors governors, provincial board members and yes congressmen.

LAHAT nakinabang sa grasya mula sa ILIGAL na sugal.

Milyong ang koleksyon linggu- linggo mula dito.

At para wag malunod sa laki ng perang ipinamumudmod bilang payola at intelihensiya sa mga buwayang kapulisan at opisyal ng bayan at lalawigan,dumidiskarte ang mga kampon ni Baby P. ng isang mahiwagang side business para umagwanta sa laki ng obligasyong hinihingi ng mga kolektor ng intelihensiya.

Sumi-segway ang mga KUPAL na tauhan ni Baby P. gaya nina Madam Tessie ng pagbebenta ng pulbos o  droga sa kanilang mga puwesto. 

Mistulang shabu tiagge na ito partikular na sa Cavite,Laguna at Batangas sa tungki ng ilong ng mga masisiba sa perang mga pulis!

Para lang kendi na mabibili ang sachet ng shabu sa mga sari- sari stores.

Yan po ngayon ang kalakaran on the grounds na naaatim ng konsensiya ng mga opisyal ng kapulisan partikular na ng mga tauhan ni Gen.Lucas ng PNP Region- 4A at mga PNP Provincial Commands. 

Sumasailalim po sa mistulang biddings ang paghirang o pag-designate sa mga kolektor ng payola na pawang mga pulis din.

Highest bidders ika nga!

Isa pang isyung masakit tanggapin ay ang pagkakataon ng shabu laboratory sa mga bulubunduking bahagi ng Paete, Laguna na ating kakalkalin sa mga susunod nating pagtalakay.

Kung tatanungin naman kung posibleng alam kaya ito lahat ni SILG Jonvic Remulla, ano sa tingin nyo kay Sec. Jonvic,TANGA?

Si BBM lang ang kilala kong TANGA sa kasalukuyang gobyernong ito kung saan parehas ang lalaki o babaeng pulitiko o opisyal ng gobyerno na pawang pera ang pina- Panginoon!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

5

You might also like