Suspek sa pamamaril sa guwardya sa QC, tiyuhin pala ng biktima

Local
11

IPRINISINTA nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 5, sa media ni Quezon City Police District (QCPD) Director PCOL. Randy Glen Silvio ang suspek sa pamamaril sa isang guwardya sa Brgy. Talipapa, Quezon City.

Kinilala ang suspek sa Alyas na “Muhammad”, 44, residente ng Brgy. Culiat, Quezon City.



Base sa pagsusuri sa CCTV footage noong 5:25 pm ng November 2, 2025, sa bahagi ng Mindanao Ave., Brgy. Talipapa, nahagip ng camera ang pamamaril ng isang suspek na sakay ng pulang Honda RS na motorsiklo sa biktima na patungo sa kaniyang duty bilang guwardiya.

Pagkatapos ng pamamaril ay agad na tumakas ang suspek pero sa ginawang backtracking ng mga awtoridad, nakilala ang suspek nang mahagip siya sa CCTV camera na nagtanggal ng helmet at nagpalit ng damit pang itaas sa bahagi ng Cignal Drive sa Quezon City.

Ayon kay Silvio, ang suspek ay pinsan ng tatay ng biktima.



Sa katunayan, tumulong pa ang suspek sa pagproseso sa bangkay ng biktima.

Paghihiganti umano ang motibo sa pamamaril dahil hinihinala ng suspek na ipinakulam ng biktima ang kambal na apo ng suspek na anim na buwang gulang.


Most Read
11

You might also like