IBINUNYAG ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. umano mismo ang nag-apruba ng 3,700 proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng ₱214.4 bilyon mula sa tinatawag na unprogrammed appropriations o pondo na wala sa nakasaad na budget ng gobyerno.
Iinihayag ito ni Tinio sa budget deliberation ng Office of the President sa plenaryo ng Kamara..
Sinabi ni Tinio, batay sa opisyal na datos, ₱61.4 bilyon ang ginastos noong 2023 at ₱153 bilyon ngayong 2024 para sa mga proyektong tulad ng flood control, kalsada, at multi-purpose buildings.
Iginiit ni Tinio na batay sa batas, ang ganitong mga proyekto ay kailangang aprubahan ng Pangulo. Dito, kinumpirma sa pagdinig na si Marcos Jr. nga ang pumirma para mapondohan ang lahat ng proyekto.
Sinabi rin niya na karamihan sa mga proyektong ito ay napunta sa mga lugar na matagal nang may isyu ng katiwalian sa flood control projects.
Tinuligsa rin ni Tinio ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala silang kinalaman sa mga proyektong ito, gayong ang pag-apruba ay kailangan mismo ng
Pangulo at ng executive branch.
Ang pahayag ring ito ni Tinio ay nagbibigay nang malaking credence sa naging pahayag ni resigned solon Elizaldy Co ng Ako Bicol partylist na nagdetalye sa kanyang ipinadalang kalatas na nagsasabing mismong si PBBM ang lumagda sa kinukuwestiyong insertions sa budget ng taong 2023,2024 at 2025.
Malinaw na sinabi ni Co na napagpasyahan ng liderato ng Kongreso at ng Pangulong Marcos Jr. mismo ang pag- apruba sa pagpopondo sa mga unprogrammed funds na direktang inilagay umano sa mga piling flood control projects ng DPWH.
Malaking bahagi rin nito ay napunta umano sa Ilocos Norte at batid at kabisado ito ni Cong. Sandro Marcos na gaya at tugma sa naging pagbubulgar ni former Ilocos Sur Gov.Chavit Singson.
Ayan na po, after Chavit,pinatutunayan din ni Co at ngayon nga ni Congressman Tinio ang direktang partisipasyon ni former Speaker Martin Romualdez, Sando Marcos at ni PBBM sa maanomalyang multi bilyones na flood gate mess.
Kaya naman pala off limits ang media sa nilulutong putahe ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) dahil may mga indibidwal pala na ” ibabaon” at mga “holy cows” na ililigtas!
Zarzuela palang talaga ang mga pagdinig ng ICI!
Lumabas na ang katotohanang ulo ni Zaldy Co ang handang isakripisyo ng administrasyong Marcos Jr.
Isa kasing matibay na “scapegoat” itong si Co para tuluyang mapagtakpan ang mga tunay na masterminds sa grand corruption scheme na ito.
Isa na namang katrayduran to the max ng nakaupong Presidente!
Hindi lamang sa mga tao kanilang ginamit sa pandarambong ng pera ng bayan kundi bagkus malaking kataksilan sa sambayanang Pilipino ( betrayal of public trust).
Kaya naman pala nasabi ni Zaldy Co na nanganganib ang buhay niya at ng kanyang buong pamilya dahil ramdam na nito ang posibleng mangyari.
Ngayon ay batid na ng sambayanang Pilipino kung sino ang tunay na Hudas!
May kasunod…
Abangan!
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com