UV express driver na nang-araro ng 14 motorista sa QC nagpositibo sa droga

Local
4

NAGPOSITIBO sa iligal na droga ang driver ng UV Express na nang-araro ng 14 na motorista sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City matapos na isailalim sa laboratory examination.

Pahayag ni Quezon City Police District Acting Director PCol. Randy Glenn Silvio, lumalabas sa kanilang naging examination o sa mismong lab results na nagpositibo sa shabu ang suspek.



Dahil dito, sinampahan ng patong-patong na reklamo ang suspek na kasalukuyang nahaharap sa mga kasong murder, frustrated murder, malicious mischief, abandonment of one’s victim, at resistance to a person in authority.

Bukod dito ay sasampahan din ng reklamong paglabag sa Republic Act no. 10586 o Anti-Drunk and Drugged driving Act of 2013 ang suspek bunsod ng naging resulta ng kaniyang mga lab exams.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente na ikinasawi ng isang motorista at pagkakasugat ng 13 katao 


4

You might also like