KUMANA na naman ang pambansang sinungaling na aso ng mga KAWATAN sa Malacanang.
Ayaw umano patulan ng Palasyo ang usapin ng planong pagsasampa ng impeachment complaint ni Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, na saklaw ng House of Representatives ang usapin ng impeachment at responsibilidad ng mga mambabatas ang pagproseso nito.
Una nang nanawagan si Rep. Barzaga na magbitiw sa puwesto ang Pangulo, sa gitna ng kanyang alegasyon ng korapsyon umano sa Malacañang.
Dagdag pa ni Castro mahirap kasing magsalita ng walang ebidensiya lalo at madaling magbintang, madaling magsabi ng kung anu-ano at kung walang ebidensiya, hindi dapat paniwalaan.
Sa kabila ng mga panawagan ng impeachment, resignation, at people power mula kay Rep. Barzaga, sinabi ni Castro na hindi ito pinagtutuunan ng pansin ng Pangulo.
Binigyang-diin ni Castro na abala at maraming ginagawa ang Pangulo at hindi nito pinapansin ang mga ganitong klaseng usapin.
Oo nga naman, busy si BBM!
Saan abala si Bongbong Marcos Jr, Manang Claire?
Paki detalye naman please!
May napuna tayo dito sa propagandista ng Malacanang, lumalabas kasing pinasusuweldo lamang ito mula sa buwis ng mga Pilipino para maglubid ng kasinungalingan at ipagtanggol ang mga magnanakaw niyang mga amo.
Hindi po ba maituturing pagwawaldas lamang ito ng perang pinapasahod ng taongbayan sa bulaang babae.
Bender din pala itong si Manang…bender of truth!
Nag abogaga para magkalat ng kasinungalingan at bulaang naratibo!
Hindi ang gobyerno ng Pilipinas ang kanyang pinaglilingkuran kundi ang SALOT na pamilya Marcos at mga kakutsaba nitong mandarambong!
Going back sa idol ng bayan at Gen Z Congressman Kiko Barzaga, may kasabihan tayong mga Pilipino ng ganire, “walang malaking nakakapuwing at maliit na nakakahirin” at tama lamang sa mga talipandas na gaya ni Manang Claire na maliitin ang makabayang hakbang at inisyatibang ito ni Barzaga.
Basta niloob ng Diyos at ginusto ng karma, pasok yan!
Masasapol ang dapat tamaan.
Oo nga’t payak at nag- iisa lang ang tinig ng mambabatas sa kanyang legal na hakbang na ito laban sa kasamaan at higanteng KAWATAN, nagsisilbi naman itong kukuti- kutitap na liwanag sa gitna ng karimlan at kawalang pag- asa ng mamamayang patuloy na harap- harapang pinagnanakawan at inaapi!
Pinagkakaitan ng hustisya at winawalanghiya ng lahing dorobo.
“KUNG ANO ANG PUNO, SIYA RIN ANG BUNGA”!
Kung KAWATAN ang ama, TULISAN naman ang anak!
Ayos di ba?
Pulbos ang pondo at pulbos din ang bisyo!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com