₱304M SHABU, NASAMSAM SA 2 PASAHERO SA NAIA TERMINAL 3

Local
228

PASAY CITY — Aabot sa humigit kumulang sa ₱304 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa dalawang magkasunod na anti-illegal drugs operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong araw ng Lunes Hulyo 14, 2025+

Ayon sa report na ipinadala sa opisina ni Bureau of Customs Commisioner Ariel Nepomuceno target ng operasyon ang dalawang pasaherong dumating mula Hong Kong na parehong nahuli matapos madiskubre ng X-ray inspection at K-9 sweep ang mga bagahe nilang may lamang droga.


Sa unang operasyon, sinubukang itanggi ng isang pasahero ang bagahe pero nang buksan ito, tumambad ang nasa 20.5 kilo ng shabu na tinatayang ₱139.7 milyon ang halaga.

Sumunod naman, isang babaeng pasahero ang nahuli matapos makumpiskahan ng 24.2 kilo ng shabu na tinatayang ₱164.7 milyon.

Agad na dinala ang mga suspek sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa imbestigasyon at inquest proceedings, habang ang mga nakumpiskang droga ay isinailalim sa laboratory analysis.


Pinasalamatan naman ni Commissioner Nepomuceno ang mabilis at maayos na aksyon ng NAIA personnel laban sa pagpupuslit ng droga, kasabay ng pagtiyak na patuloy nilang palalakasin ang border security sa mga pantalan at paliparan.

Ayon kay NAIA District Collector Alexandra Lumontad, patunay ito ng matatag na ugnayan ng mga ahensya para protektahan ang publiko laban sa iligal na droga.


Most Read
228

You might also like